PINAKAMASAYA ang Christmas celebration na handog ng SM at BDO para sa mga overseas Filipinos at kanilang pamilya sa Pamaskong Handog 2018, sa SM Mall of Asia Music Hall sa Disyembre 15, 2018.

PR photo

Siksik sa bonggang entertainment ang ikapitong Pamaskong Handog, na tatampukan ng performances nina Piolo Pascual, Sam Milby, Moira Dela Torre, Iñigo Pascual at Maris Racal, kasama pa ang TNT Boys.

Hosted ng mga komedyanteng sina MC at Lassie, tampok din sa Pamaskong Handog ang singer-comedian na si Donita Nose, at ang “Tawag ng Tanghalan” finalists na sina Anton Antenorcruz at Jennie Gabriel.

Tsika at Intriga

Dani Barretto, nang-inis pa lalo sa bashers dahil sa 'garlic tuyo'

Asahan din ang iba’t ibang raffle games, kung saan mamumudmod ng mga bonggang pampremyo mula sa BDO at SM, at mga affiliates nitong Taal Vista, SM Cinema, Toy Kingdom, SM Appliance, Sky Ranch, Storyland, at SM by the Bay amusement park. Mayroon ding Jollibee gift certificates at Vice Ganda Cosmetics.

Ongoing na rin ang raffle promo ng BDO, kung saan ang lahat ng

Remittances mula sa abroad na pumapasok sa BDO Kabayan Savings ay may raffle entry para mapanalunan ang alinman sa Pangkabuhayan Showcase; libu-libong pisong halaga ng shopping spree sa The SM

Store at SM Supermarket o Savemore, at overnight stay sa mga hotels na affiliated ng SM sa iba’t ibang dako ng bansa.

“As Christmas is the most important time of the year for Filipinos, we take this opportunity to make a memorable homecoming for overseas Filipinos. It is not every year that they get a chance to celebrate Christmas the Filipino way, and through Pamaskong Handog, we make this

happen. The day is full of entertainment, fun, humor, and prizes. They just have to enjoy the day, while we make it special for them,” sabi ni Joaquin San Agustin, SVP for Marketing ng SM Supermalls.

Para ma-enjoy ang Pamaskong Handog 2018, kailangan lang na magpakita ng overseas Filipino at kanyang benepisyaryo ng BDO Kabayan Savings ATM card o passbook, o SM Global Pinoy card. Puwede rin silang magsama ng isang tao sa event.Para sa walang BDO Kabayan Savings o SM Global Pinoy card, makakakuha nito sa BDO at SM booths sa SM Mall of Asia Music Hall sa Disyembre 15, simula 10:00 ng umaga.

Magbubukas din ng BDO booths sa SM City San Lazaro, SM City Bacoor, SM City Olongapo, SM City Dasmariñas, SM City Marilao, SM City Clark, SM City Cebu, SM City Bacolod, SM City Davao, at SM City Cagayande Oro (Uptown