Sinisiyasat ng Parañaque City Police ang sanhi ng pagkamatay ng isang construction worker, na natagpuan sa isang bakanteng lote sa lungsod, nitong Sabado ng hapon.
Kinilala ang bangkay na si Joverb C. Mendoza, 47, stay-in construction worker sa Perpetual village, KM16 East Service Road, Barangay San Martin De Porres, Parañaque City.
Sa ulat ng Southern Police District (SPD), natuklasan ang bangkay ng biktima sa isang bakanteng lote sa Perpetual Village, KM16 East Service Road, Bgy. San Martin De Porres, bandang 5:15 ng hapon.
Mabilis na rumesponde ang Scene of the Crime Operations ( S O C O ) t e a m n g S P D , s a pangunguna ni Senior Insp. Gerald Villar, at nagsagawa ng imbestigasyon.
Walang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima.
-Bella Gamotea