ALMOST a year na ang nakalilipas ng mag- indefinite leave of absence ang mahusay na aktor na si John Lloyd Cruz mula sa kanyang home studio. By now ay sanay na ang publiko na hindi siya napapanood sa telebisyon.

John Llloyd copy

No one is indispensable, dahil okay naman ang takbo ng sitcom na Home Sweetie Home. Parang napagod na rin ang mga bashers at hindi na siya hot item sa social media, gayundin ang girlfriend niyang si Ellen Adarna.

Magpasalamat si Lloydie at walang paparazzi sa Pilipinas, dahil sa Hollywood ay walang patawad ang mga paparazzi at hindi iginagalang ang pribadong buhay ng mga artista.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Close friends say enjoy sina Ellen at Lloydie sa simple nilang pamumuhay, away from the prying eyes ng publiko. Ine-enjoy lang nila ang pagiging parents sa five-month oldy nilang baby na si Elias Modesto.

Hanggang ngayon na papatapos na ang taon ay hindi nagpaparamdam si John Lloyd kung kailan siya babalik sa showbiz. Huli siyang napanood sa pelikulang Ang Babaeng Humayo at sa sitcom na Home Sweetie Home.

Anuman ang plano ni John Lloyd para sa 2019, sumagi sana sa kanyang isipan na may mga taong nasasabik na muling mapanood ang pambihirang husay niya sa pagganap.

-Remy Umerez