“PINANININDIGAN ko naman ‘yun. Kaya lang ‘di gusto ng family ko ‘yung post,” ito ang sagot ni Janno Gibbs sa tanong ng fan kung bakit niya binura ang “tampo” post niya para sa ABS-CBN dahil hindi nga siya nakasama sa Christmas Station ID ng network.Biro ng fans ni Janno, baka raw natakot ang singer-actor sa asawang si Bing Loyzaga at baka pinagsabihan din ng amang si Ronaldo Valdez.

Janno copy

Hindi nabanggit ni Janno na sinabihan siya ng Viva Artists Agency, na manager niya ngayon, na burahin ang post kaya kahit gustong panindigan ang pagpapahayag ng tampo, kailangan pa rin niyang sumunod sa kanyang manager.

Ang hindi binubura ni Janno ay ang pahayag nitong ayaw na sa kanya ng GMA-7 kaya hindi siya makabalik sa Kapuso Network. Hindi na rin daw siya binibigyan ng trabaho kaya siya umalis na doon. Pero, parang nauna siyang lumipat sa TV5 kaya hindi na talaga siya bibigyan ng show ng GMA-7.

Tsika at Intriga

'Ate Girl' Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?

May ilang fans naman na nag-suggest na bumalik na si Janno sa Eat Bulaga, at dahil hindi pa natatanong ang mga taga-Eat Bulaga tungkol sa usaping ito, hindi pa natin alam kung payag silang bumalik si Janno sa show.

May nagpayo rin kay Janno na maghintay lang siya dahil tiyak na bibigyan siya ng show ng ABS-CBN.

-NITZ MIRALLES