De Vega, Nepomuceo at 8 pa, pararangalan ng PSC, Olympians

MINSAN silang nagsakripisyo para mabigyan ng dangal ang bayan. At sa kanilang galing at husay, kinilala ang Pilipinas sa mundo ng sports.

Codinera, De vega, Nepomuceno

Codinera, De vega, Nepomuceno

Sa pagkakataong, nararapat lamang na ipagkaloob ng pamahalaan ang parangal na angkop sa kabayanihan nilang hindi mawawaglit sa pahina ng kasaysayan.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa pangunguna ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez, iluluklok sa Hall-of-Fame ang 10 natatanging atleta sa kanilang henerasyon sa payak na seremonya ng Philippine Sports Hall of Fame (Third Enshrinement Ceremony) ngayon sa Philippine International Convention Center (PICC).

Nakatakda ang gabi ng parangal ganap na 6:00 ng gabi.

Kabilang sa mga pararangalan ang tinagurian Asia’s fastest Woman na si Lydia de Vega para sa athletics, Paeng Nepomuceno at Bong Coo sa bowling, Filomeno “Boy” Codinera sa baseball at softball, Benjamin Arda ng golf, Lita dela Rosa ng bowling, Loreto Carbonel at Ambrocio Padilla ng basketball, Josephine del Vina ng athletics at Erbito Salavarria ng boxing.

Ito ang ikatlong pagkakataon ng magbibigay ng parangal ang PSC bilang pagkilala sa galing na ipinalas ng mga dating atleta na nagbigay ng maraming karangalan sa bansa.

Kasama ni Ramirez na magbibigay pugay sina Commissioners Ramon Fernandez, Charles Maxey, Atnod Agustin at Celia Kiram.

Bagama’t ilang sa mga awardee ay pumanaw na, inaasahang darating ang kanilang mga mahal sa buhay para tanggapin ang parangal ng bayan.

“This is one of the best oppurtunity that we have, to give pay tribute to our great athletes. Sa dami ng karalangan na ibinigay nila sa ating bayan, they deserve a recognition,” pahayag ni Ramirez.

Dumaan sa masinsin na pagpili ang listahan ng mga bayaning atleta mula sa committee na binubuo ng mga sports officials, Olympian, sports luminaries at sports editors.

-ANNIE ABAD