ISANG masayang Sabado (Nobyembre 24, 8PM) ang naghihintay sa KBO viewers dahil ipalalabas dito ang live concert ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, ang Regine at the Movies.
Sa naturang one-night-only engagement na ito sa KBO mapapanood ang unang pagsasama ni Regine at ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta sa isang entablado.
Isang dream come true nga na maituturing ito para kay Sharon, dahil nauna na niyang ipinahayag sa kanyang social media account na pangarap niyang makasama ang bagong Kapamilya sa concert.
Bukod sa nasabing concert, mapapanood din sa Nobyember 24 hanggang 25 ang TV premiere ng action movie ni Erich Gonzales na We Will Die Tonight kung saan gumanap siya bilang isang stunt woman na mapapasali sa isang gang na nagbebenta ng laman loob ng mga bata sa labis na kahirapan. Kahit gipit sa buhay, pipiliin niyang takasan ang nasadlakang trabaho.
Kasama din sa line-up sa naturang weekend ang Fangirl, Fanboy, Bride for Rent, Beauty and the Bestie, at Third Eye.