IBINUNYAG ni eight-division world champion Manny Pacquiao na posible ang rematch kay dating pound-for-pound No. 1 Floyd Mayweather Jr. kapag tinalo niya si Adrien Bronner sa Enero.

Sa pagsasalita sa Oxford University sa United Kingdom, idiniin ni Pacquiao na hindi siya magkakaroon ng katahimikan kapag hindi nagka-rematch kay Mayweather na tumalo sa kanya sa puntos sa sagupaang binansagang ‘The Fight Of The Century’ noong Mayo 2. 2015 sa Las Vegas, Nevada sa United States.

“I will have a couple more fights left in boxing,” sabi ni Pacquiao panayam na nalathala sa The Sun tabloid. “First I am fighting Broner and after that there is a big possibility of the Mayweather fight.”

Nakatakda namang sumagupa si Mayweather sa 20-anyos at walang talong kickboxing star na si Tenshin Nasukawa sa Disyembre 31 sa Tokyo, Japan.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Naniniwala si Pacquiao na kapwa sila magwawagi ni Mayweather para magharap sa Mayo 2019.

“He is coming back and we are talking about a rematch but we have to deal with these fights first. We met in Japan and he said he wanted to have a rematch; not this time but maybe after the January fight,” diin ni Pacquiao.

“There is a big possibility because Floyd is coming back into boxing,” dagdag ni Pacquiao kaugnay sa 41-anyos na si Mayweather. “He is fighting in December and I am fighting in January. So a big possibility after that next year that we will discuss a rematch.”

-Gilbert Espeña