PLARIDEL, Quezon – Inisahang laklak ng aktor na kilala sa screen name na Bangkay ang mga gamot na inireseta sa kanya para sa isang buwan, bago pa siya natagpuang nakabigti sa isang resort sa Plaridel, Quezon nitong Martes ng umaga.

Bangkay copy

Ito ang isinalaysay sa pulisya ng kaibigan ni Jose C. De Andres, o mas kilala bilang Bangkay, 72 anyos, na si Myla delos Reyes.

Natagpuan ni Larry Liwanag, caretaker ng Tumagay Resort sa Barangay Tumagay, Plaridel, ang nakabigting si Bangkay nitong Martes ng madaling araw.

Tsika at Intriga

McCoy De Leon, Joshua Garcia nagkita sa ABS-CBN Christmas Special?

Ayon sa pulisya, batay sa pahayag sa kanila ni Myla, matindi ang iniindang emphysema ni Bangkay at nitong Sabado ng umaga ay tinangka niyang gisingin ang aktor upang mag-almusal at uminom ng gamot.

Pero sinagot umano ni Bangkay si Myla: “Oo, ininom na ako, inubos ko lahat.”

Nagtaka naman si Myla sa isinagot ng aktor dahil ang tinutukoy nitong gamot ay iinumin nito sa loob ng isang buwan.

Kuwento pa ni Myla, simula noon ay hindi na napagkakatulog si Bangkay.

Sinabi naman ni Larry sa mga pulisya na napansin niyang balisa at laging palakad-lakad sa resort si Bangkay sa nakalipas na mga araw.

Nagsilbi nang tahanan ni Bangkay ang nasabing resort, na pag-aari ng kaibigan niyang si Mayor Bernard Tumagay, tuwing nasa Plaridel siya.

-DANNY J. ESTACIO