Pansamantala lamang ang pag-alis sa Pilipinas ng Australian missionary na si Sister Patricia Fox at balang araw ay babalik din siya para ipagpatuloy ang kanyang misyon na tulungan ang mas maraming Pilipino.

Ito ang sinabi ni Vice President Leni Robredo sa kanyang program sa radyo kahapon, ang “BISErbisyong Leni,” isang araw matapos umalis sa bansa si Fox kasunod ng deportation order ng Bureau of Immigration.

“Tingin ko temporary lang ito, temporary lang ‘yung pagkawala niya dito sa Pilipinas,” ani Robredo.

Naniniwala ang Vice President na babalik din sa bansa ang 72-anyos na missionary. “I think time will come that sister will return to us and she will continue her mission to help Filipinos,” aniya.

National

‘Ikaw unang nang-iwan!’ PBBM, ‘gina-gaslight’ si VP Sara – Harry Roque

Napilitang umalis si Fox sa bansa matapos pumaso ang kanyang tourist visa nitong Nobyembre 3. Ibinaba ng BI ang kanyang missionary visa sa temporary visitor’s visa na balido lamang ng 59 na araw.

Ipina-deport siya dahil sa diumano’y pakikisangkot sa “partisan political activities” laban sa administrasyong Duterte, na isang paglabag sa pagbabawal sa mga banyaga sa bansa.

Sinabi ng Vice President na nalulungkot siya sa deportasyon ni Fox dahil 27 taon na ito sa bansa at gumagawa ng missionary work.

“Nakakalungkot na pulitika ‘yung naging dahilan. Nakakalungkot ‘yung pagpahayag ng saloobin parati kailangang pagbayaran,” aniya.

Pinayuhan naman ng Malacañang si Fox na sundin ang batas dahil ang mga mabuting gawa ay hindi maaaring gawing palusot sa mga ginawang mali.

Sa isang pahayag, pinasalamatan ni Presidential Spokesperson Salvador si Fox sa mabubuting bagay na ginawa nito habang nasa bansa. Gayunman, sinabi niyang kailangan nitong sumunod sa batas.

“We wish Sister Fox well in her travel and we thank her for whatever good deeds she has performed during her stay in the country. Such acts however cannot exempt her from the punishment imposed by law as a consequence of her wrongdoing,” aniya.

Pinayuhan din ni Panelo si Fox na sumunod sa batas saan man ito naroroon upang hindi pagdusahan ang consequences nito.

“Our advice to Sister Fox is to follow the law whether here or elsewhere. Otherwise, the law of cause and effect will operate against her, as it did in this particular instance,” aniya.

Sinabi rin ng opisyal ng Palasyo na si Fox ay nagsisilbing paalala sa lahat ng banyaga sa ansa na hindi nila tinatamasa ang parehong prebilehiyo na mayroon ang bawat Pilipino sa Pilipinas.

-Raymund F. Antonio at Argyll Cyrus B. Geducos