MILAN (Reuters) – Dalawang katao pa ang namatay sa pananalasa ng malakas na ulan at hangin sa ilang bahagi ng Italy, itinaas ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa 17, at sinira ang malawak na bahagi ng kagubatan.

Isang turistang German ang namatay nitong Biyernes nang tamaan ng kidlat sa isla ng Sardinia habang isa pa na tinamaan ilang na ang nakalipas ang binawian ng buhay sa ospital, sinabi ng Civil Protection Agency ng Italy nitong Sabado.

Ayon sa spokeswoman, 17 ang namatay kaugnay sa masamang panahon. Karamihan sa mga biktima ay nasawi nang mabagsakan ng mga punongkahoy.

Sinabi ng Coldiretti, ang asosasyon ng Italian agricultural companies, sa isang pahayag na ibinuwal ng malalakas na hangin ang 14 milyong punongkahoy, karamihan sa dulong hilaga.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Apektado ng bagyo ang mga lugar mula sa hilagang silangan hanggang sa Sicily sa timog kanluran, at pinamalala ang pinsala ng mga bagyo sa hilagang rehiyon ng Trentino at Veneto – ang rehiyon sa paligid ng Venice – kung saan hindi marating ng mga pamayanan dahil sa landslides. Mismong ang Venice ay lubog sa baha.

Sinabi ng governor ng Veneto na si Luca Zaia, na ang pinsala ng bagyo sa rehiyon ay umaabot sa halos billion euros ($1.1B) ang halaga.