BORACAY ISLAND - Suportado ng Department of National Defense (DND) ang pagububo ng task force para madaling maresolba ang pagpatay sa siyam na sakada sa Negros Occidental, kamakailan.

Ito ang inihayag ni DND Secretary Delfin Lorenzana nang dumalo ito sa reopening ng Boracay Island, kahapon.

Aniya, naniniwala siya na mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng pamamaril sa siyam na sugarcane farmers sa Barangay Bulanon, Sagay City nitong Oktubre 20.

Matagal na umanong may record ang NPA ng pagpatay sa mga dating kasamahan nito kaya hindi malayong muli nila itong ginawa.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.

-Jun Aguirre