BEIJING (AP) — Tinawag nitong Huwebes ng China na “fake news” ang ulat sa isang pahayagan sa Amerika na nakikinig ito sa mga tawag sa telepono ni US President Donald Trump, at nagpayong palitan niya ang kanyang iPhone ng cellphone na gawa ng Chinese manufacturer na Huawei.
Hindi nagbigay ng anumang ebidensiya si Foreign Ministry spokeswoman Hua Chunying o nagbanggit ng anumang specifics sa pagbasura niya sa ulat ng The New York Times.
“Firstly, The New York Times should know that such report just provides another piece of evidence that the NYT is making fake news,” ani Hua sa daily news briefing.
“Secondly, I suggest they replace their iPhone with Huawei ones if they are really concerned about security issues,” ani Hua.
Sa 2012 report ng congressional panel, nakasaad na banta sa seguridad ang telepono ng Huawei.