GS Warriors, pinalubog ang Suns;James at Laker 0-3

OAKLAND, California — Maagang nag-init ang opensa ng Golden State Warriors at hindi nakasabay sa bilis ng defending champion ang Phoenix Suns para sa dominanteng 123-103 panalo nitong Lunes (Martes sa Manila).

BOKYA! Nalusutan ni San Antonio Spurs reserved Dante Cunningham ang depensa ng Los Angeles sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA. Nakalusot ang Spurs, 143-142, para mahila ang losing skid ng Lakers, sa pangunguna ni LeBron James sa 0-3.

BOKYA! Nalusutan ni San Antonio Spurs reserved Dante Cunningham ang depensa ng Los Angeles sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA. Nakalusot ang Spurs, 143-142, para mahila ang losing skid ng Lakers, sa pangunguna ni LeBron James sa 0-3.

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?

Nagsalansan si Stephen Curry ng 29 puntos, tampok ang 15 sa third quarter, at walong assists, habang humugot si Kevin Durant ng 22 puntos at humirit si Draymond Green ng walo sa kabuuang 35 assists ng Warriors.

“I’d like to get great shots instead of decent ones,” pahayag ni Kerr. “Right now we’re settling for decent ones.”

Galing ang Warriors sa manipis na kabiguan sa Denver Nuggets nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Nag-ambag si Klay Thompson ng 16 puntos matapos sumablay sa unang apat na three-point attempt, habang kumana ang bagong starting center na si Damian Jones ng 13 puntos.

Nanguna si Devin Booker sa Suns sa naiskor na 28 puntos, habang tumipa sina TJ Warren at rookie Deandre Ayton ng 23 at 20 puntos, ayon sa pagkakasunod.

“We are playing the best team in the world,” pahayag ni Suns coach Igor Kokoskov, unang European coach na humawak ng koponan sa NBA.

RAPTORS 127, HORNETS 106

Sa Toronto, ratsada sina Kawhi Leonard na may 22 puntos at Kyle Lowry na kumana ng 16 puntos at season-high 14 assists para sandigan ang Raptors kontra Charlotte Hornets at sa ika-apat na sunod na panalo.

Nag-ambag si Jonas Valanciunas ng 17 puntos at tumipa sina Danny Green at Serge Ibaka ng 16 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod. Nahila nila ang winning streak laban sa Hornets sa 11-0.

Nanguna si Kemba Walker sa Hornets sa nailistang 26 puntos at kumana si Jeremy Lamb ng 16 puntos. Nag-ambag sina Nicolas Batum ng 13 puntos, Willy Hernangomez na may 11 puntos at Malik Monk na may 10 puntos.

Bago ang laro, tinanghal na Eastern Conference Player of the Week si Walker tangan ang averaged NBA-best na 35.3 puntos at 6.3 sa three-pointer. Naitala niya ang NBA record na 19 three-pointer sa unang tatlong laro.

MAGIC 93, CELTICS 90

Sa Boston, naisalba ng Orlando Magic ang dalawang three-point attempt ng Celtics sa krusyal na sandali para maitakas ang manipis na panalo. Nag-ambag si Jonathan Isaac ng 18 puntos at 12 boards sa Magic (2-2).

Hataw si Kyrie Irving sa Celtics (2-2) sa naiskor na 22 puntos, ngunit sumablay ang tirada nila ni Gordon Hayward sa three-point shot sa krusyal na sandali.

BUCKS 124, KNICKS 113

Sa Milwaukee, ginapi ng Bucks, sa pangunguna ni Giannis Antetokounmpo na kumubra ng 31 puntos at 15 assists, ang New York Knicks. Nag-ambag si Khris Middleton ng 30 puntos, kabilang ang dalawang three-pointer upang maabatan ang pagbalikwas ng Knicks.

Kumubra rin ng double figures ang Bucks starters na sina Eric Bledsoe na kumana ng 16 puntos at sina center Brook Lopez at guard Malcolm Brogdon na may 13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Ratsada si Tim Hardaway Jr. sa Knicks sa naiskor na 24 puntos at tumipa sina Trey Burke at Mario Hezonja ng 19 at 18 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa iba pang laro, dinaig ng MinnesotaTimberwolves ang Indiana Pacers, 101-91; pinataob ng Memphis Grizzlies ang Utah Jazz, 92-84; pinatahimik ng Dallas Mavericks ang Chicago Bulls at naungusan ng San Antonio Spurs ang LA Lakers, 143-142.