WASHINGTON (AP) — Naisalpak ni Kelly Olynyk ang putback mula sa mintis na tira ni Dwyane Wade may 0.2 segundo ang nalalabi para maitakas ang 113-112 panalo ng Miami Heat kontra sa Washington Wizards nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

SINAGASA ni Los Angeles Lakers guard Josh Hart ang depensa ng Portland Trail Blazers sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA. Naglagablab ang opensa ng Blazers sa final period para gapiin ang Los Angeles Lakers sa unang laro ni Lebron James sa Laker, 128-119. (AP)

SINAGASA ni Los Angeles Lakers guard Josh Hart ang depensa ng Portland Trail Blazers sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA. Naglagablab ang opensa ng Blazers sa final period para gapiin ang Los Angeles Lakers sa unang laro ni Lebron James sa Laker, 128-119. (AP)

Sinalubong ng pangungutya si Olynyk ng home crowd at na-booed sa bawat pagkakataon na mahawakan ang bola. Ngunit, na kay Olynyk ang huling halakhak matapos makumpleto ang come-from-behind win sa Heat.

Nanguna si Josh Richardson sa Miami sa naiskor na 28 puntos, habang tumipa si Rodney McGruder ng 20 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi nakalaro sa Wizards sa Dwight Howard bunsod nang pamamaga ng likuran. Hataw sa Washington si John Wall na kumana ng 26 puntos at siyam na assists, habang tumipa si All-Star guard Bradley Beal ng 20 puntos.

Tangan ng Wizards ang 112-111 bentahe, subalit sumablay ang 26-foot pull-up jumper ni Wall na nagbigay ng pagkakataon sa Miami sa huling tattling segundo. Tumirada si Wade ng jumper, ngunit tumama lamang ito sa gilid ng rim at suwerteng nakakuha ng puwesto si Olynyk para sa winning putback.

SIXERS 127, BULLS 108

Sa Philadelphia, nailista ni Ben Simmons ang triple-double -- 13 puntos, 13 rebounds at 11 assists – habang humugot si Joel Embiid ng 30 puntos at 12 rebounds sa panalo ng Sixers laban sa Chicago Bulls.

Nanguna si Zach LaVine sa Bulls sa natarang 30 puntos.

Nakuha ni Simmons ang triple-double may 2:34 ang nalalabi sa laro sa matikas na rebound.