Itinuloy pa rin ni dating Presidential Spokesman Harry Roque ang planong kumandidato sa pagkasenador sa susunod na taon, kahit pa pinrangka na siya ni Pangulong Duterte na hindi siya mananalo.

Una nang inihayag ni Roque na kakandidato siya bilang kinatawan ng environmental na Luntian Party-list.

Pero kahapon, sa huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC), nagtungo si Roque sa punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila at nagsumite ng kanyang kandidatura sa pagkasenador, sa ilalim ng People’s Reform Party.

Nangako naman si Roque na nais niyang ipakita na maninilbihan siya nang tapat sa taumbayan.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

-Mary Ann Santiago