PAREHONG Kapuso stars sina Sanya Lopez at Derrick Monasterio kaya naman close sila at hindi tumangging magtambal sa isang sexy romance film, ang Wild and Free, sa ilalim ng Regal Entertainment.

Sanya at Derrick copy

Kung dati’y mga wholesome shows ang ginagawa nila, dito sa first movie nila together ay tinanggal nila ang hiya sa sarili at sa isa’t isa. Hindi ba sila nahirapang gampanan ang roles nila?

“Ako po naman pinag-aralan kong mabuti ang script at pinaghandaan ko na ang mga dapat kong gagawin,” sabi ni Sanya. “Mahusay pong katambal si Derrick, inalagaan niya ako. Tinatanong muna niya ako kung okay lamang ang gagawin niya, kung pwede raw akong hawakan o kung okay lang ang eksena namin.”

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Sagot naman ni Derrick: “Ako naman po kasi, ayaw kong ma-misinterpret niya ang gagawin ko na hindi niya alam, gusto ko rin siyang protektahan. Napakaganda po ni Sanya, napaka-sexy kaya kailangang ma-feel ko ang sinasabi ni Direk Connie Macatuno na dapat kong gawin, kasi nga may past na kami.”

“Ako rin po naman kailangang ma-feel ko iyong relasyon namin, ‘yung pagiging wild namin, kaya na-feel ko rin po iyon kahit first time ko lamang ginawa,” dagdag pa ni Sanya.

Ang tinutukoy nina Derrick at Sanya ay ‘yung mga love scene na ginawa nila sa loob ng kotse at ibabaw ng washing machine. Sa palagay nila ay nagawa naman nila ito nang tama at ayon sa gusto ng kanilang lady director.

Sa story kasi, si Sanya as Ellie ay isang self-supporting and independent woman na nagkaroon ng complex relationship with two men. Ngayon, Ellie is working as a part-time transport network vehicle service (TNVS) at na-pick up niya si Jake (Derrick), ang isa sa nakarelasyon niya noon. Habang nagbibiyahe sila, binalikan nila ang kanilang nakaraan. Hiniwalayan at iniwan ni ni Jake si Ellie nang malaman niya ang past nito.

Ngayong muli silang nagkasama, nakalimutan na kaya ni Jake ang kanyang insecurities at self-doubt kaya nasira ang kanilang relasyon? At si Ellie, matututunan kaya niya kung ano talaga ang pagmamahal at tugunin kaya niya ang mga pangangailangan ni Jake?

Sinabi noon ni Direk Connie sa presscon na tiyak daw ay mamahalin natin sina Sanya at Derrick sa una nilang sexy-romance film.

Ipalalabas na ang Wild & Free sa Miyerkules, October 10, sa lahat ng sinehan sa buong bansa.

-Nora V. Calderon