KAABANG-ABANG ang bagong teleserye ni Angel Locsin na The General’s Daughter dahil sa bigat ng casting. Kabilang din kasi sa cast ng serye sina Maricel Soriano, Paulo Avelino, JC de Vera, Arjo Atayde, Eula Valdez, Assunta de Rossi, at Tirso Cruz III. Handa na ito for airing at naghihintay na lang ng tamang primetime slot.

Angel copy

Ang wala pang katiyakan ay ang balik-tambalan nila ni Richard Gutierrez. Sa kasalukuyan kasi ay abala ang aktor sa movie nila nina Vice Ganda at Dingdong Dantes na Fantastica: The Prince, The Princes and the Perya, a Metro Manila Film Festival 2018 entry.

Pero may reports din na may bagong teleseryeng gagawin si Richard kasama naman si Bea Alonzo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-Remy Umerez