Ipagtatanggol ng sumisikat at walang talong si WBA Asia bantamweight champion Carl Jammes Martin ang kanyang korona laban kay WBF Asia Pacific super bantamweight titlist Moon Chul Suh ng South Korea sa Oktubre 27 sa Don Bosco High School, Lagawe, Ifugao.

Bukod sa pipiliting manatiling perpekto ang kanyang kartada sa 10 panalo, 9 sa pamamagitan ng knockouts, posibleng pumasok sa WBA bantamweight world rankings si Martin kung magwawagi laban kay Moon.

Hindi pipitsuging karibal si Moon na galing sa tatlong panalo, pawang sa knockouts taglay ang kartadang 5-6-3 win-loss-draw na may 4 pagwawagi sa knockouts.

Sa kanyang huling laban, napatigil ng 19-anyos na si Martin si Chinese Huerban Qiatehe sa 6th round para mapanatili ang kanyang WBO Oriental Youth bantamweight belt noong Agosto 6, 2018 sa Plaza Bayombong, Bayombong, Isabela kaya pumasok sa WBO rankings bilang No. 15 contender ng kampeong si Zolani Tete ng South Africa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

-Gilbert Espeña