MARAMI ang hindi makapaniwalang nasa 24 inches lang ang beywang ni Beauty Gonzales nang humarap siya sa press sa Kadenang Ginto media launch nitong Miyerkules. Parang hindi siya nanganak!
Parang kailan lang ay medyo malusog si Beauty nung huling makatsikahan namin siya sa thanksgiving ng Pusong Ligaw noong Enero 2018.
Paano niya naibalik ang kanyang figure? “Diet, discipline and a lot of prayers,” natawang sagot ni Beauty.
Nagbiro pa nga siya na lahat daw ng taba niya ay napunta sa anak nilang babae ng asawang art curator na si Norman Crisologo, at sinabi niyang ayaw na niyang dagdagan pa ang kanilang baby.
“I’m happy with one child. No more na. Hindi naman ako nagpatali pa,” saad ni Beauty.
Napag-usapan daw nila itong mag-asawa dahil gusto ng asawa niya na humirit ng isa pang anak.
“I’m okay now with one child.”
Paano kung mabuntis ulit si Beauty? “ T h e n i t ’ s b e a u t i f u l . ” Base sa trailer ng Kadenang Ginto, naagawan na naman ng minamahal ang karakter ni Beauty, na halos ganito rin ang nangyari sa karakter niya sa Pusong Ligaw.
Hindi ba nagsasawa ang aktres na pare-pareho ang kuwento ng seryeng ginagawa niya?
“Hindi naman, okay lang ‘yun, para may excitement. Huwag lang sa totoong buhay,” natawang sabi ng aktres. “Confident naman ako sa asawa ko na (hindi maaagaw ng iba).”
Kung tutuusin ay hindi na kailangan ni Beauty ang magtrabaho dahil kayang-kaya naman silang buhaying mag-ina ng asawa niyang mayaman. Okay lang ba sa mister niya na nagtatrabaho siya?
“Oo kasi kailangan ko ring tuparin ang mga pangarap ko, hindi naman puwedeng pipigilan ko kung ano ang gusto ko sa buhay dahil m a y anak at asawa (ako). Siyempre I need to fill up my cup to fill up my family spot and he’s very supportive about it, kaya thankful ako na sobrang suporta niya with me here right now and everything. Pinapayagan niya akong nag-work,” paliwanag ni Mrs. Crisologo.
Base rin sa trailer ay umaatikabo ang sampalan nila ni Dimples Romana.
“As much as possible totoong sampal talaga iyon. ‘Yung mga scenes naman namin bago mangyari iyon ay pinag-uusapan namin kasi para mas lumalabas ‘yung totoong nararamdaman ng karakter kaysa daya-daya lang. Naku hindi pa naman ako marunong magsinungaling. Ha, ha, ha!” Lahat ng kasama ni Beauty sa Kadenang Ginto ay first time niyang nakatrabaho, tulad nina Dimples, Adrian Alandy, Francine Diaz, Andrea Brillantes at Albert Martinez, kaya talagang mega-practice siya sa pagbabasa ng script.
“Because I have this Visayan accent kaya talagang nagpa-practice ako kasi sobrang professional nila, lalo na si Sir Albert and then Dimples. My God, isa siya sa iniidolo ko dati! New environment sila for me, kasi first time ko pati sa Dreamscape (Entertainment).
Nabanggit din ni Beauty na mas palaban ang karakter niya sa Kadenang Ginto kumpara sa Pusong Ligaw.
“Maraming makaka-relate, it’s all about family. Rags to riches. Paano umahon sa buhay, paano nangarap, anong nangyari sa karakter ko na ni-rape lahat-lahat at pinili pa rin niyang bumangon?”kuwento ng aktres.
Samantala, natanong ang tsikang palipat na sana sa ibang TV network si Beauty, pero naharang dahil nag-counter offer ang ABS-CBN.
“I was just a good neighbor, that’s all.” Kaya nagkatawanan din ang lahat ng nag-iinterbyu sa aktres.
“I will always be a Kapamilya. Nag-visit lang, it’s nice to be a nice neighbour, ‘di ba?”
At kaya nagawang mag-guest ni Beauty sa programa ng GMA 7 ay dahil matagal na pala siyang walang kontrata sa ABS-CBN—at pinapirma na siya ngayon ng kontrata sa Dos.
Guaranteed two years ang kontrata ni Beauty. Natanong namin kung okay na sila ng manager niyang si Arnold L. Vegafria na nabalitang nagkaroon sila ng gusot dahil nga hindi siya natuloy sa GMA.
“Oo naman, okay naman kami. Oo naman, bakit hindi kami okay, eh, by the end of the day trabaho lang naman ito lahat. Kikitain naman natin ito. ‘Yung respeto namin sa isa’t isa, okay naman kaming dalawa,” paliwanag pa ng aktres.
Mapapanood na ang Kadenang Ginto simula sa Lunes, Oktubre 8, sa Kapamilya Gold. Tampok din sa serye sina Ronnie Lazaro, Luke Conde, Nikko Natividad, Adrian Lindayag, Kat Galang, Savannah Rosales, at Eula Valdes mula sa direksiyon ni Jerry Sineneng.
-Reggee Bonoan