Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre)

10:00 n.u. -- SSC-R vs UPHSD (jrs)

12:00 n.h. -- SBU vs CSB (jrs)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

2:00 n.h. -- SSC-R vs UPHSD (srs)

4:00 n.h. -- SBU vs CSB (srs)

DISKARTE naman ngayon ng defending champion San Beda College na masiguro ang tangan sa ‘twice-to-beat advantage’, habang magpapakatatag ang College of St.Benilde sa paghirit ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament econd round rlimination ngayon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Target ng Red Lions na muling tumabla sa pangingibabaw kung saan solong nakaluklok ngayon ang Lyceum of the Philippines University Pirates (14-1) habang magsisikap naman ang Blazers na panatilihing buhay ang tsansang makahabol sa huling slot ng Final Four.

Nasiguro ng Lyceum of the Philippines Pirates ang ‘twice-to-beat’ advantage ang magwagi sa Mapua, 92-76, nitong Martes.

Dahil sa kani-kanilang misyon, inaasahan ng mas magiging mainit ang kanilang tapatan sa tampok na laro ngayong 4:00 ng hapon kumpara sa nauna nilang paghaharap noong nakaraang Hulyo 24 kung saan nanaig ang Red Lions, 75-69.

Bukod dito, tiyak na gigil bumawi ang CSB mula sa natamong 67-69 na kabiguan sa kamay ng Emilio Aguinaldo College nitong Setyembre 28.

“Given the situation that we have chances to make it to the Final Four, I think that was what’s bothering us lately and it’s been distracting our minds in our team. I think that we’re still not able to still handle that well enough,” aniya.

“At this stage, the past few years, I don’t know where their minds are. I think at this point in time, they might be thinking of going on a vacation already after their last game. Right now, it’s just different,”

“We are in a situation to make it to the next round. It might just be that. That’s again distracting us and tempting us for where our minds are supposed to be. So, it’s something that we need to work on,” aniya.

Mauuna rito, sisikapin naman season host University of Perpetual na pagtibayin ang kapit sa fourth spot ng team standings sa pagharap nila sa San Sebastian College ganap na 2:00 ng hapon. Marivic Awitan

Kabilang naman sa lower half ng standings at wala na sa kontensiyon sa Final Four, magsisilbi na lamang spoiler kung sakali ang Stags sa kampanya ng Altas.

Inaasahang pipilitin ng tropa ni coach Frankie Lim na duplikahin kung hindi man mahigitan ang 78-76 na panalo nila kontra sa San Sebastian noong unang round. Marivic Awitan

Iskor:

EAC (78) -- Garcia 25, Magullano 15, Laminou 14, Bautista 6, Neri 6, Bugarin 4, Mendoza 3, Gonzales 2, Tampoc 2, Corilla 1, Cadua 0, Diego 0.

Arellano U (70) -- Dela Cruz 15, Alban 14, Dela Torre 12, Concepcion 10, Alcoriza 6, Bayla 4, Canete 4, Sacramento 2, Ongolo Ongolo 1, Viloria 1, Segura 1, Sera Josef 0.

Quarterscores: 21-11; 48-30; 63-50; 78-70.

LPU (92) -- Perez 20, Jc. Marcelino 14, Nzeusseu 12, Caduyac 8, Ayaay 7, Pretta 6, Ibanez 4, Santos 4, Tansingco 4, Yong 4, Lumbao 3, Cinco 2, Serrano 2, Valdez 2.

MU (76) -- Bonifacio 17, Serrano 15, Bunag 13, Pelayo 13, Aguirre 10, Jabel 3, Salenga 3, Victoria 2, Gamboa 0, Lugo 0, Nieles 0.

Quarterscores: 21-17; 53-32; 73-60; 92-76.