NAKAKA-RELATE si Sharon Cuneta sa problemang pinagdadaanan ngayon ni Kris Aquino. Gaya ng Queen of All Media, niloko rin daw ang Megastar ng mga taong pinagkatiwalaan niya ng kanyang mga investments.

Sharon copy

Laman ng social media nitong nagdaang araw ang pagtatraydor umano kay Kris ng isang taong labis niyang pinagkatiwalaan, at umabot pa sa usaping legal na lubos na nakaapekto sa kalusugan ng TV host/actress/social media influencer.

Matatandaang nito lang nakaraang linggo, ibinunyag ni Kris ang panloloko ng isang taong pinagkatiwalaan niyang patakbuhin ang kanyang production company (KACP) at hawakan ang endorsement deals niya sa loob ng higit isang taon.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Ibinahagi rin ni Kris na nanganganib mawala sa kanya ang milyun-milyong halaga ng perang pinagpaguran niya para sana sakinabukasan ng dalawa niyang anak.

Nitong Lunes ng gabi, nag-post ng mahabang mensahe si Sharon sa Instagram bilang pakikisimpatiya kay Kris.

Kalakip ng screenshot ng official statement ng mga abogado ni Kris, inihayag ng Megastar ang kanyang saloobin tungkol sa kinahaharap na problema ng kaibigan.

Ayon kay Sharon, nanghina siya dahil umabot pa sa puntong kinailangang magkaroon ng medical treatment ni Kris sa ibang bansa dulot ng problema nito.

“Second, I am infuriated. I am so angry at what Kris has had to put up with that all, no doubt, has added to her already huge concern and aggravated them (That is putting it mildly. I wouldn’t be surprised if it even started or triggered all her health problems. If it was THE cause.)”

Base sa post ni Sharon, kilala niya ang tao na tinutukoy ni Kris na nanloko rito.

Saksi raw ang Megastar kung paano pinagkatiwaan ni Kris ang nasabing tao.

Buwelta ni Sharon sa taong tinutukoy ni Kris: “How could you bite the hand that ‘feeds’ you? And much, much more than that, how do you betray someone who put all her trust in you, even to me, always spoke so highly of you and held you in the highest regard to the point na natanong ko pa si Kris kung wala bang kakambal ang taong ‘yan para blessed din ako in the areas of her life that he was involved in?! “Tapos babaligtarin si Kris.”

Hindi rin maiwasang maka-relate ni Sharon sa pinagdadaanan ni Kris. Nag-post tuloy ng pagbabanta ang Megastar: “Actually, because of this, I am now also moved to finally post about those employees na ninakawan at niloko din ako and/or kami ng pamilya ko.

“Isa-isa ko silang ipapakilala sa inyo para kung sakaling makilala niyo, huwag kayo magkamaling pagtiwalaan sila.”

Kasabay nito, nakiusap si Sharon sa kanyang followers na ipagdasal na malampasan ni Kris ang pinagdadaanan nito ngayon.

“I am so furious but what I wil ask from all of you is to pray for aside from God’s punishment falling on these traitors soon, is for Kris’ good health. Please pray for all to be well with her.

“I know that our Almighty Father still has big plans for Kris to do His good work and she has two sons she lives for. For them and for us, she simply cannot be sick.”Nag-iwan din ng mensahe si Sharon para kay Kris: “You are covered by the blood of Jesus, Beej. No weapon formed against you shall prosper, in Jesus’ Name. Besides, good ALWAYS wins. Love you. We are praying for you. We are just right here. God bless you. Hang on to Him tight. Always, Ate S.”

-Ador V. Saluta