Mabagal ang naging paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang bahagi ng taong 2026, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes, Mayo 7.
Base sa PSA, 2.8% ang naging paglago ng ekonomiya ng bansa, mas mababa sa talang 3.0% noong huling tatlong buwan noong 2025.
Anang PSA, ito ang pinakamababang paglago ng ekonomiya ng bansa simula noong unang kwarter ng 2021, kung saan naitala ang -3.8% sa Philippine economy growth.
Ayon pa sa datos ng ahensya, ilan lamang sa mga salik na nakaapekto rito ay wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles; financial and insurance activities; at public administration and defense; compulsory social security.