Pinapayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na maging mas maingat laban sa posibleng cyber attacks.

Sinabi ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde na sa pagdating ng teknolohiya, maaaring pagkakataon ito ng ilan na kumita ng pera – kahit sa ilegal na paraan, tulad ng hacking at scamming.

“This is the crime trend that we have seen in the recent times. Due to the involvement of millions of Filipinos in social media, some have seen it as very profitable and they [suspects] are really hard to trace and find,” sinabi ni Albayalde.

Nitong nakaraang Biyernes, ipinahayag ng Facebook, kabilang sa pinakamalaking social media companies sa mundo, na ninakaw ng unidentified hackers ang digital login codes ng halos 50 milyon users sa buong mundo.

Sementeryo sa Albay, pinagbubutas; masangsang na amoy, umaalingasaw

Nangangahulugan ito na maaaring agawin ng hackers ang mga nakompromisong accounts at nakawin ang kanilang private information.

Naglabas si Chief Superintendent Marni Marcos Jr., pinuno ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG), ng ilang direktiba kung paano ma-secure ang social media accounts ng isang indibidwal.

Sinabi niya na ang social media accounts ay dapat na panatilihing pribado at dapat gumamit ang users ng unique password sa bawat online account na kanilang hawak.

Dapat ding magsagawa ng background check sa hindi kilalang tao na nagtatangkang makipag-connect sa kanila.

“This can be done by knowing how long the account [has been] existing, how many friends it has, and its regular online activities,” ani Marcos.

Pinayuhan din niya ang social media users na protektahan ang kanilang computer systems laban sa intruders sa pamamagitan ng pagkabit ng anti-virus programs at pag-activate ng firewall. Masisilip ang mga karagdagang tip sa PNP-ACG website: www.pnpacg.gov.ph at PNP official Facebook account.

Sinabi rin ni Albayalde na dapat maging mas maingat ang social media users dahil ang Internet ay ginagamit din ng online trolls at mga kriminal na sangkot sa illegal transactions online.

“It is a really big challenge for the PNP-ACG because sometimes people are making fake accounts to troll. Aside from scams, it could lead to cyberbullying,” aniya.

Ang online trolls na umaatake at nambu-bully ng ibang tao ay maaaring maharap sa criminal charges na may parusa sa ilalim ng Anti-Cybercrime Act, diin ng PNP chief.

Sinabi Albayalde na mino-monitor ng PNP ang iba’t ibang illegal transactions online, kabilang ang pagpapalitan at pagbili ng mga ilegal na droga, armas at bala, at pampasabog at iba pa.

-Martin A. Sadongdong