NADOMINA ng Far Eastern University runners ang kani-kanilang dibisyon sa PTT Run for Clean Energy Year 2 nitong weekend sa Cultural Center of the Philippines grounds.

IBINIDA ni Far Eastern University’s Joneza Mie Sustituedo (ikatlo mula sa kaliwa) ang gold medal na kaloob ni PTT Marketing Director Thitiroj Rergsumran (ikalawa mula sa kaliwa) matapos magwagi sa 10K Female Division ng PTT Run for Clean Energy Year 2 kamakailan sa CCP Grounds. Nakiisa rin sina Vittaya Viboonterawud (kaliwa), Director for Commercial Fuel and Lubricants, PTT Philippines; Charge D’affaires Urawadee Sriphiromya (ikaapat mula sa kaliwa) ng Royal Thai Embassy Manila; at Paul Senador (kanan) pangulo ng PTT Philippines Foundation Inc.

Bumida sina Evelou Abutas at Joneza Mie Sustituedo sa 10K divisions ng advocacy run na naglalayong mapalawig ang kaalaman ng sambayanan sa kahalagahan nang malinis na hangin at kapaligiran.

Naisalba ng 21-anyos na si Abutas, silver medalist sa 3k steeplechase at bronze winner sa 5,000-meters sa University Athletic Association of the Philippines, ang larga ng mga beteranong sina Jujet de Asis (33:40) at Carlito Fantiliaga (33:44) sa naisumiteng oras na 33:34.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Napatanyag bilang ‘barefoot runner’ sa palarong Pambansa may anim na taon na ang nakalilipas, namayani ang 19-anyos na si Sustituedo sa tyempong 35:30 kontra kina Mitch Manila (35:40) at Matet Borin (35:46).

Tumanggap ang mga nagwagi sa 10k division ng cash, medals at PTT jackets.

“We are elated no end that you have joined us in this advocacy promoting clean energy,” pahayag ni PTT Marketing Director Thitiroj Rergsumran sa awarding ceremony.

Kabuuang 3,120 ang lumahok sa PTT Run na suportado ng PTT Lubricants, Cafe Amazon, Wish 107.5, Chris Sports, Milcu, Leslie’s Corp., ChloRelief, Lubie, Coca-Cola, La Filipina, Emilio Aguinaldo College, Maynilad, Herbalife, Vegemore, Science in Sport, Medicard Foundation, Ripples Daily, Gold Seas, Maynilad, Business Mirror at Business Mirror Health and Fitness Magazine, Village Connect, Philippine School of Business Administration, Mariano Marcos High School Batch ‘91, PH Dragon Boat Paddlers at St. Dominic College.

Bahagi ng kita sa programa ay ibibigay sa PTT Philippines Foundation para matustusan ang iba’t ibang aktibidad para sa pangangalaga ng kalikasan.