Inaalam ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng mga Pilipino sa kanluran ng Japan kasunod ng pananalasa ng Bagyong Trami nitong Linggo.

Iniulat ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V kay DFA Secretary Alan Peter S. Cayetano, na puspusan ang pakikipag-ugnayan ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo at Konsulado ng Pilipinas sa Osaka sa mga Pilipino sa nabanggit na lugar.

Sa ngayon, wala pang natatanggap na ulat ang DFA na mayroong kababayan na naapektuhan ng bagyo. Tinatayang mayrooong 4,760 Pinoy sa Okinawa at Wakayama Prefectures at Shikoku Islands.

-Bella Gamotea
Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony