Ikinasa ni Senador Panfilo Lacson ang mas mabangis na Anti-Terrorism Act, sa joint hearing ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs at Committee on National Defense.
Pinatatanggal ni Lacson ang isang probisyon sa Human Security Act na nagiging dahilan para malaman ng suspek na siya ay tinitiktikan ng mga awtoridad. Iginiit din niya na pasimplehin ang depinisyon ng terorista upang madali silang matukoy.
Hiniling ni Armed Forces chief General Carlito Galvez Jr. na palawigin ng 30-araw ang pagtatanong sa mga hinihinalang terorista. “We see that if we will be able to capture the bomber, in a week, we won’t get anything. Normally, based on our experience, the suspect [will] break...in two to three weeks,” paliwanag niya.
Sinuportahan ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) officer in charge Eduardo Año, dating military chief.
-Leonel M. Abasola