Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin ang mga kurakot na pulis, dahil hindi niya mapapatawad ang ganitong pagkakasala.

Sa pagbisita niya sa Camp Vicente Lim sa Laguna nitong Miyerkules, sinabi ng Pangulo sa mga pulis na umiwas sa mga tiwaling gawain katulad ng maanomalyang transaksiyon na ginawa ng mga sinibak na opisyal ng militar sa isang ospital ng gobyerno.

“Huwag ‘yung mga ganun na bagay. Huwag kayong pumasok diyan kasi talagang hahabulin ko kayo. And I will see to it that… talagang i-dismiss kita, i-discharge kita. Iyang ganun ang hindi ko talaga mapatawad,” aniya sa mga pulis.

“At saka ‘yung mga pagkain at ‘yang suweldo ng ano. ‘Pag ako nagbigay ng allowances, kailangan dumating sa lahat ‘yan,” dugtong niya.

Teleserye

Jodi Sta. Maria, inaming 'di siya ang first choice sa 'Be Careful with my Heart'

Kamakailan ay ipinag-utos ni Duterte ang pagsibak at court martial proceedings sa 20 matataas na opisyal ng isang military hospital dahil sa diumano’y iregular na mga transaksiyon.

-Genalyn D. Kabiling