Inamin ng administrasyon na isinantabi muna nito ang planong paglipat ng pamahalaan sa pormang federal.
Ito ang sinabi ng Malacañang bilang reaksiyon sa resulta ng bagong survey ng Pulse Asia na hindi kabilang sa itinuturing na national concerns ng taumbayan ang pagpapalit ng porma ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mas tinututukan ngayon ng pamahalaan ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa dahil kinikilala ng administrasyon na kailangang harapin ang mga problemang malapit sa sikmura ng taumbayan.
Paliwanag pa ni Roque, naka-sideline ngayon ang Charter change pero hindi naman ito tuluyang aabandonahin ng administrasyon dahil magpapatuloy pa rin naman ang pagsusulong nito. Bukod dito ay kailangan pa ng mas mahabang panahon para ipaunawa ang federalismo.
-Beth Camia