NAKAPAGTALA si Grandmaster Julio Catalino Sadorra (ELO 2553) ng malaking panalo tagan ang puting piyesa kontra Grandmaster Christopher Repka (2523) sa 37 moves ng Slav defense para rendahan ang Philippines sa 2.5-1.5 victory kontra No.48 Slovakia sa second round ng 43rd Chess Olympiad Martes ng gabi sa Sports Place sa Batumi, Georgia.

MATIKAS ang kampanya ng Philippine chess team, sa pangunguna ni coach at team captain GM Eugene Torree (gitna) sa 43rd Chess Olympiad sa Batumi, Georgia.

MATIKAS ang kampanya ng Philippine chess team, sa pangunguna ni coach at team captain GM Eugene Torree (gitna) sa 43rd Chess Olympiad sa Batumi, Georgia.

Kagila-gilalas na sakripisyo ng kabayo sa 11 sulungan ang inilatag ni Sadorra kapalit ng pagkuha ng piyon at pagatake sa kings side at nakapuwersang makopo ang torre ng kalaban.

Panalo rin si Grandmaster John Paul Gomez (2464) tangan naman ang itim na piyesa kontra kay Grandmaster Tomas Petrik (2481) sa marathon 65 moves ng Ruy Lopez Opening.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naiselyo naman ni International Master Jan Emmanuel Garcia (2439) ang tabla kay International Master Viktor Gazik (2486) tangan ang itim na piyesa sa 65 moves ng Dutch defense Leningrad variation.

Iniligtas naman ni International Master Martin Nayhebaver (2466) ang humiliating loss ng kanyang team matapos talunin si Fide Master Mari Joseph Logizesthai Turqueza (2360) sa 41 moves ng Sicilian defense.

Ang 54th-ranked Philippines ay mula sa 34th place patungo sa 36th at sunod na makakalaban ang 18th seed Croatia na nagwagi naman sa No.73 Monaco, 3.5-0.5.

“The veterans delivered the important points to win the match.” sabi ni National Chess Federation of the Philippines director Atty. Cliburn Anthony A. Orbe na matiyang nanood ng live games sa ChessBomb.com

Bida naman si Filipino Grandmaster Wesley So (2776) matapos niyang iligtas ang top seed United States of America sa pagtala ng panalo kay Luka Oboladze (2340) sa 52 moves ng Sicilian defense tungo sa 2.5-1.5 win kontra sa No.65 Georgia Team 3 na naglagay sa kanyang team sa Top 20 standings.

Nag-ambag naman ng tabla sina Grandmaster Fabiano Caruana (2827), Grandmaster Samuel Shankland (2722) at Grandmaster Ray Robson (2682) sa Boards 1, 3 at 4, ayon sa pagkakasunod.

Habang ang isa pang Filipino Grandmaster na si Buenaventura “Bong” Villamayor (2392), na kumatawan naman sa No.79 Singapore ay nakapuwersa ng tabla tangan ang puting piyesa kay Grandmaster Constantin Lupulescu (2606) sa 37 moves ng Slav defense para maisalba ang kanyang team sa possible shut-lout loss sa No.21 Romania.

Nabigo naman sina Filipino International Master Enrique Paciencia (2335), Woman Grandmaster Qianyun Gong (2321) at Fide Master Qing Aun Lee (2297), sa kani-kanilang sultada.

Sa women’s division, nakaungos naman ang No.35 Slovenia sa No.43 Philippines, 2.5-1.5.

Panalo si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna (2287) kay Woman International Master Laura Unuk (2299) sa 57 moves ng Catalan Opening habang naka draw naman si Woman International Master Catherine Perena-Secopito (2157) kay Woman Fide Master Lara Janzelj (2254) sa 32 moves ng Queens Indian defense.

Nabigo naman si Woman Fide Master Shania Mae Mendoza (2113) kay Woman Grandmaster Jana Krivec (2185) sa 65 moves ng Dutch defense, maging si Woman International Master Marie Antoinette San Diego (2102) ay tiklop kay Woman Fide Master Teja Vidic (2116).

Lumagapak ang Filipinas mula 27th hanggang 41st spot at susunod na makakalaban ang No.55 Venezuela na galing sa pagkabokya, 0-4 , sa No.5 India.

“We hope to bounce back in the next match. We gave them a fight and only lost by the narrowest of margins. Janelle won on board 1 against a slightly higher-rated opponent.” Ayon kay Orbe.

Si Asia’s First Grandmaster Eugene Torre ang head coach at team captain ng men’s team habang si Grandmaster Jayson Gonzales ang head coach at team captain ng women’s team na nasa pangangasiwa nina NCFP Chairman/ President Deputy Speaker Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr. at Secretary-General Rep. Abraham “Bambol” Tolentino Jr.