INAASAHAN na magiging kapana-panabik ang laban sa paglahok nina country’s youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe Murillo Racasa, Asean Master Al-Basher Buto at Asean Master Kaye Lalaine Regidor sa pagtulak ng 2nd Chooks to Go National Rapid Chess Championships sa Oktubre 6, 2018 na gaganapin sa Activity Center Ayala Malls South Park sa Alabang, Muntinlupa City.
Sina Racasa, Buto at Regidor, mga international gold medal winners ay miyembro ng Philippine team na nakasikwat ng over-all championships trophy sa 2017 Asean Age Group chess championships na ginanap sa Kuantan, Pahang, Malaysia.
“Ang paglahok nina country’s youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe Murillo Racasa, Asean Master Al-Basher Buto at Asean Master Kaye Lalaine Regidor sa 2nd Chooks to Go National Rapid Chess Championships ay magbibigay ng karagdagang atraksyon at mahigpitang laban na ating aabangan,” sabi ni Dr. Alfredo “Fred” Paez, isa sa prime-movers ng Philippine Executive Chess Association.
Rerendahan nina Rotary Club of Nuvali president Noel Divinagracia at Bounty Agro Ventures Inc. president Ronald Mascariñas ang pagsasagawa ng opening ceremonial moves kasama sina Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, vice mayor Celso Dioko at representative Ruffy Biazon.
Ang nasabing event ay sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines na inorganisa ng Rotary Club of Nuvali at ng Muntinlupa City.
Ipapatupad sa 2nd Chooks to Go National Rapid Chess Championships ang 7-round Swiss System Four Division Tournament na may time control twenty minutes (20) plus 5 seconds delay sa bawat manlalaro para tapusin ang laro.
Ito ay bukas sa lahat ng manlalaro, rated o unrated, anuman ang kasarian at edad.
Ang registration fee ay P500 (Open), P300 (Junior) P250 (Kiddies) at P1,000 (Executive, PECA members) sa bawat division.