ANG ganda-ganda ng Gandang Gabi Vice episode nitong Linggo, dahil sa no-holds barred interview ni Vice Ganda sa ex-lovers na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino para sa promo ng pelikula nilang Exes Baggage.

Carlo at Angelica copy

Nagpakuwento si Vice kung ano ang naging takbo ng relasyon ng CarGel noon at bakit sila naghiwalay.

Hindi kami sigurado kung inamin ni Maja Salvador sa katagalan na ex-boyfriend niya si Carlo, dahil at that time ay wala siyang inaamin. Tanda pa namin na naka-one-on-one interview namin ang aktres at mega-deny talaga siya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantalang si Carlo naman ay umamin sa amin noon, at nangingiti pang sinabi na huwag nang kulitin si Maja, dahil baka nga pinagbawalang umamin ng manager.

Going back to GGV, naungkat na si Maja pala ang third party sa hiwalayan nina Carlo at Angelica. Pero ayon sa huli ay okay na sila ni Maja at kaibigan na niya ngayon ang tinaguriang Dance Princess.

Pinagharap ni Vice ang CarGel at sinabi na kung may gustong ihingi ng sorry ang bawat isa ay ano iyon at sabihin na nila.

“Sorry kasi nung nagpaalam ka pumayag ako, kasi napagod ako,” sabi ni Angelica kay Carlo.

“Sorry kasi napagod ka dahil kasalanan ko. Inaamin ko na nagkulang ako sa ‘yo,” sagot naman ni Carlo.

Natahimik ang lahat. Hanggang sabihin ni Angelica kay Vice, “Alam mo, ang ganda na ng rating nito.” Natawa naman ang GGV host.

Hanggang sa gumaralgal na ang boses ni Angelica.

“Sana kapag nahanap mo na ‘yung para sa’ yo, sana ganito pa rin tayo,” sabi pa rin ni Angelica kay Carlo, sabay baling kay Vice.

“Sabi ko kasi sa kanya, kapag nagka-girlfriend ka, mami-miss ko siya kasi’.”

Oo nga naman, kasi kapag nagka-girlfriend na si Carlo ay hindi na siyempre makakasama ni Angelica ang binata.

“Sana huwag nang matapos kung anong meron tayo, kasi kapag kasama kita, kampante ako. Kasi alam mo kung paano ako pakalmahin,” sabi naman ni Carlo.

Parehong teary-eyed ang dalawa at maging si Vice ay hindi halos makapagsalita sa nasaksihan niya, pero kailangan niyang pakalmahin ang CarGel dahil baka tuluyan na silang umiyak sa show.

At tama nga si Angelica, ang taas na marahil ng ratings ng GGV dahil kaagad itong nag-trending.

Samantala, kasama si Carlo sa seryeng Playhouse at may palaro ang GGV na maglalabas ito ng litrato sa screen at magtatanong ang guests.

Ipinakita ang litrato ni Zanjoe Marudo, na leading man ni Angelica sa Playhouse. Nagtanong si Carlo kay Angelica: “Trip ka ba niya? Tinatanong ko lang.”

Nang si Derek Ramsay naman ang ipinakita, ang tanong ni Carlo: “Live in lang ‘yung lamang mo, ‘tol.”

Mahal na mahal pa kasi ni Carlo ang ex-girlfriend niya kaya ganu’n ang mga hirit niya, at inamin din naman ni Angelica na mahal niya ang ex-boyfriend niya.

Kaya ang tanong ng lahat, kasama na si Vice, bakit nga ba hindi na lang sila magbalikan?“Mahirap kasi, baka masaktan ko ulit siya,” paliwanag ni Carlo.

“Bakit, malandi ka pa rin ba?” balik-tanong ni Angelica.

“Malandi ba ako ngayon?”

“Hindi na.”Tanda namin sa huling panayam namin kay Carlo ay sinabi niyang gusto niyang tapusin muna ang promo ng Exes Baggage at saka siya magdedesisyon kung liligawan niya uli ang aktres. Ayaw daw niyang isabay ang promo sa personal niyang buhay.

Tama naman din, at take note, Ateng Jet, hindi showbiz si Carlo. Kaya medyo nagugulat siya sa mga tanong ni Vice, at nagugulat din ang lahat sa mga hirit niya sa mga ex-boyfriend ni Angelica.

-Reggee Bonoan