DAHIL sa magandang balita na annulled na ang kasal nina Sunshine Cruz at Cesar Montano, inaabangan na ngayon ng marami kung kailan ikakasal ang aktres sa boyfriend na si Macky Mathay.

Macky at Sunshine copy

May nag-iisip na magpapakasal kaagad ang dalawa, na batay sa pictures nilang dalawa na nakikita sa social media at sa tsika ng mga personal na nakakasalamuha nila, very much in love sina Sunshine at Macky.

Pero may mga netizens na nagpayo kay Sunshine: “Wag agad magpakasal sa bf enjoy being single.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sinagot ito ni Sunshine: “In God’s perfect time!”

Sinegundahan naman ito ni Macky nang mag-comment siya: “Always in His perfect time my @sunshinecruz18.”

Ayun, wala pang dapat ikabahala ang supporters ni Sunshine na magpapakasal kaagad sila ni Macky. Pero, siguradong may plano na ang dalawa para sa future nila at ‘pag dumating ang araw na ‘yun ay wala na silang magiging problema sa kani-kanyang mga anak.

Matagal nang magkasundo ang tatlong dalagita ni Sunshine at ang tatlong anak ni Macky sa dating asawa. Ang mga anak nila ang unang inayos nina Sunshine at Macky, pinagtagpo at patuloy na nagkikita, kaya wala nang adjustment na mangyayari sa anim na bagets sakaling magpakasal na nga sina Sunshine at Macky.

May note to herself din naman si Sunshine: “You deserve to be happy. You deserve to live a life you are excited about. Don’t let others make you forget that.”

Samantala, mas tumitindi pa ang mga eksena sa morning series ng GMA-7 na Kapag Nahati Ang Puso, na isa si Sunshine sa mga bida. Sa story, hindi tumitigil si Rio (Sunshine) na ipahanap ang nawawalang anak. Hindi niya alam na si Claire (Bea Binene), na matagal na niyang kilala, ang nawawala niyang anak.

-NITZ MIRALLES