HONG KONG (AFP) – Ipinagbawal kahapon ng Hong Kong ang political party na nagsusulong ng kasarinlan, sinabing ito ay banta sa national security sa pagpapaigting ng Beijing ng pressure sa anumang mga hamon sa kanyang soberanya.
Ito ang unang ban sa isang partido politikal simula nang ibalik ito sa China ng Britain may 21 taon na ang nakalipas.
Tinatamasa ng semi-autonomous na Hong Kong ang kalayaan na hindi nasasaksihan sa mainland kabilang ang freedom of expression ngunit lumiliit na ang espasyo para sa mga aktibista sa harap ng lumalakas na pagkokontrol ng China sa ilalim ni President Xi Jinping.
Sinabi ni Hong Kong security minister John Lee na pinagtibay niya ang police request na ipagbawal ang maliit na Hong Kong National Party ‘’in the interest of national security, public safety, public order, and the protection of rights and freedom of others’’.
Ang HKNP ay kilala ngunit maliit lamang na grupo.