BALIK-PELIKULA ang former action star at congressman na ngayon na si Monsour del Rosario sa The Trigonal.

Monsour copy

Huli siyang napanood sa Tatlong Baraha noong 2004. Sa loob ng mahigit na isang dekada ay uminog ang mundo ni Monsour sa kanyang pamilya at sa pulitika bilang kinatawan ng Makati City.

Madalas ipalabas ang mga action films ni Monsour sa cable TV, tulad ng Bangis at Pintado at inamin niyang nami-miss niya ang paggawa ng pelikula.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Kaya naman nang ialok sa kanya ang The Trigonal ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.

“It is a breather and at the same time I want to satisfy my passion,” sabi ni Monsour.

Kasama niya sa cast sina Rhian Ramos, Epi Quizon at ang Taekwondo blackbelter na si Ian Ignacio.

-REMY UMEREZ