TARGET ng University of Santo Tomas, sa pangunguna ni multi-titled Sisi Rondina, ang ‘three-peat’ sa womens class, habang target ng National University na maidepensa ang men’s title sa paglarga ng UAAP Season 81 beach volleyball tournament ngayon sa Sands SM By The Bay.
Tinanghal ang Tigresses na pinakamatikas na koponan sa beach volleyball tangan ang kabuuang limang kampeonato, kabilang ang tatlo na minanduhan ni Rondina.
Sa kanyang huling taon sa collegiate season, makakasam ni Rondina si Babylove Barbon sa pagharap ng UST kontra University of the Philippines ganap na 10:40 ng umaga.
Liyamado rin ang Bulldogs nina Bryan Bagunas at James Natividad.
Haharapin nila ang Far Eastern University ganap na 8:00 ng umaga at Adamson University ganap na 1:20 n.h.
Tangan din ni Rondina, kinatawan ang bansa sa FIVB Beach World Tour Manila Open nitong summer, ang tatlong MVP awards.
Matagumpay ang tambalan nina Rondina at Barbon sa off-season, kabilang ang panalo sa Beach Volleyball Republic leg nitong Agosto.
Ipaparada ng Lady Tamaraws, last season’s runner-up, ang bagong tambalan nina Ivana Agudo at Marianne Calinawan.
Sasalang din sa women’s match ang FEU-De La Salle ganap na 11:20 ng umaga, Ateneo-NU sa 12 ng tanghali, at University of the East-Adamson University sa 12:40 ng hapon.
Sa men’s session, haharapin ng UST ang Ateneo sa 8:40 ng unaga; Adamson University kontra UP sa 9 ng umaga at De La Salle kontra UE ganap na 9:40 ng umaga.
Magtutuos din ang UST-De La Salle sa 2 ng hapon, FEU-UP ganap na 2:40 ng hapon at Ateneo-UE ganap na 3 ng hapon.