Standings W L
LPU 12 0
San Beda 12 1
Letran 7 4
CSB 7 5
UPHSD 6 5
AU 4 7
Mapua 4 8
SSCR 4 9
EAC 2 10
JRU 2 11
MULI, naging madali sa San Beda Red Lions ang pagngata sa Emilio Aguinaldo College Generals para mapanatili ang pagkakadikit sa kasalukuyang lider at walang talong Lyceum of the Philippines (11-0).
Hataw si Robert Bolick, Finals MVP sa nakalipas na season, sa naiskor na 20 puntos, kabilang ang 12 sa third period kung saan naitarak ng Red Lions ang malaking bentahe.
Nakamit ng reigning back-to-back champion ang ikaanim na sunod na panalo para sa 12-1 karta. Ang tanging kabiguan ng San Beda sa kasalukuyan ay dulot ng Lyceum Pirates.
Bagsak ang Generals sa 2-10.
Sa ikalawang laro, ginapi ng San Sebastian College, sa pangunguna ni Allyn Bulanadi na kumana ng 27 puntos, ang Jose Rizal University, 82-75.
Laglag ang Bombers sa 2-111 karta. Marivic Awitan
Iskor:
(Unang Laro)
San Sebastian 82- Bulanadi 27, Ilagan 16, Capobres 14, Calisaan 12, Calma 9, dela Cruz 2, Sumoda 2, Are 0, Desoyo 0, Isidro 0, Valdez 0, Villapando 0
JRU 75- Estrella 19, Mendoza 15, Aguilar 12, Mallari 12, dela Virgen 7, David 6, dela Rosa 2, Esquerra 2, Miranda 0, Padua 0, Silvarez 0
Quarterscores: 23-9; 39-34; 60-51; 82-75
(Pangalawang Laro)
San Beda (76) - Bolick 20, Mocon 11, Oftana 6, Soberano 6, Tankoua 6, Doliguez 5, Tongco 5, Canlas 5, Nelle 4, Carino 3, Presbitero 3, Cuntapay 2, Abuda 0, Cabanag 0, Eugene 0
EAC ( 57)- Laminou 15, Magullano 12, Mendoza 10, Garcia 9, Bautista 4, Cadua 3, Bugarin 2, Cruz 2, Gonzales 0, Fuentes 0, Natividad 0, Neri 0, Corilla 0
Quarterscores 23-17; 38-36; 59-45; 76-57