WALA pang inilalabas na official statement ang Viva Films kung tuloy pa si Claudine Barretto sa pelikulang ididirek ni Sigrid Andrea Bernardo na ang location ay sa bansang Georgia.

Bela at Claudine

Inilabas namin dito sa Balita kamakailan na handang-handa nang mag-shoot si Direk Sigrid at hinihintay na lang nito ang go signal ng Viva, na habang tinitipa namin ang balitang ito ay wala pa ring update.

Bagamat hindi naglabas ang Viva management ng statement kung tuloy pa si Claudine ay kaliwa’t kanan naman ang mga naglabasang balita na tinanggihan ng aktres ang project at nasulat pa na gusto na niyang umalis bilang talent ng Viva Artist Agency. Dahil dito ay pinababalik umano sa kanya ang advanced niyang talent fee.

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

Ayon naman sa naka-tsikahan naming taga-Viva: “Wala namang problema kung aalis siya, eh, ‘di umalis siya, isauli lang niya ‘yung in-advance niya kasi hindi naman tuloy ‘yung project. Hindi naman puwedeng hindi niya isauli ‘yun.”

As of this writing ay wala pang sagot si Claudine rito.

Samantala, base pa rin sa pagtatanong namin sa taga-Viva ay si Bela Padilla na raw ang kapalit ni Claudine at sa katunayan ay nabasa na nito ang script ni direk Sigrid na nagustuhan niya.

‘Yun lang, hindi naman kami sinagot ng kausap namin kung si Mark Anthony Fernandez pa rin ang aktor na makakasama ni Bela sa naturang suspense-drama movie.

-REGGEE BONOAN