Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre)

10:00 n.u. -- SSCR vs JRU (jrs)

12:00 n.t -- SBU vs EAC (jrs)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

2:00 n.h. -- SSCR vs JRU (srs)

4:00 n.h. -- SBU vs EAC (srs)

Standings W L

LPU 12 0

San Beda 11 1

Letran 7 4

CSB 7 5

UPHSD 6 5

AU 4 7

MU 4 8

SSCR 3 9

EAC 2 9

JRU 2 10

MANATILING nakaagapay sa liderato ang hangad ng defending champion San Beda University sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College sa tampok na laro ngayong hapon ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Taglay ang barahang 11-1, pumapangalawa lamang ang Red Lions sa namumuno at wala pa ring talong Lyceum of the Philippines University (12-0). Ang Pirates ang dahilan sa tanging kabiguan ng Red Lions sa kasalukuyan.

Nakatakda silang magtuos muli ng Generals ganap na 4:00 ng hapon pagkatapos ng unang salpukan ganap na 2:00 ng hapon sa pagitan ng San Sebastian College at Jose Rizal University.

Tatangkain ng Red Lions na maduplika ang naunang 61-46 panalo Generals noong Hulyo 31 para manatiling nakadikit sa nangungunang Pirates.

Sa kabilang dako, maghahangad naman ng pagbawi ang EAC upang makaahon sa kasalukuyang kinalalagyang ika-9 na posisyon sa team standings hawak ang markang 2-9.

Huling natalo ang Generals sa kamay ng Lyceum,75-95, kung saan napuwersa sila ng huli na makagawa ng 38 turnovers.

Samantala sa unang salpukan, parehas na kabilang sa lower half ng standings kasama ng Generals, parehas magkukumahog na makapagtala ng panalo ang Stags (3-9) at ang cellar dweller Heavy Bombers (2-10).

Tatangkain ng San Sebastian na makamit ang ikatlong sunod na panalo habang hangad naman ng JRU na maipaghiganti ang 76-86 na kabiguan sa Stags noong unang round na kinalauna’y na-forfeit dahil sa paglabag ng manlalaro nitong si RK Ilagan sa panuntunan ng liga.

Kumabig ang Perpetual Help, sa pangunguna ni Prince Eze, kontra, 57-45, nitong Martes sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Hataw si Eze sa naiskor na 20 puntos,19 rebounds at apat na blocks.

Nanaig naman ang Mapua sa St. Benilde, 86-83.

Marivic Awitan

Iskor:

Perpetual Help (57) - Eze 20, Peralta 10, Razon 9, Coronel 8, Charcos 6, Cuevas 3, Mangalino 1, Aurin 0, Pasia 0, Tamayo 0, Jimenez 0

Arellano U (45) - Canete 15, Sera Josef 8, Concepcion 7, dela Cruz 5, dela Torre 3, Alcoriza 2, Villoria 2, Segura 2, Abdurasad 1, Bayla 0, Codinera 0, Ongolo Ongolo 0, Sacramento 0, Santos 0

Quarterscores: 15-10; 33-14; 48-26; 57-45

MU (86) – Victoria 16, Bonifacio 12, Serrano 12, Lugo 11, Pelayo 10, Aguirre 9, Gamboa 8, Buñag 4, Jabel 2, Biteng 2, Nieles 0.

CSB (83) – Gutang 22, Pasturan 16, Leutcheu 15, Naboa 10, Nayve 10, Haruna 8, Dixon 2, Belgica 0, Velasco 0, Young 0.

Quarterscores: 28-19; 49-35; 63-55; 86-83