Hindi Katolikong simbahan ang gumuho sa Itogon, Benguet, na dahilan ng pagkamatay ng ilang katao na lumikas doon sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong ‘Ompong’.

Ito ang nilinaw ni Father Manny Flores, social action director ng Diocese of Baguio, matapos murahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang paring Katoliko na sinisi nito sa pagkamatay ng ilang residente na lumikas sa gumuhong kapilya.

Ayon kay Flores, may tatlong kapilya ang Simbahang Katoliko sa Itogon – sa Poblacion, Tuding, at Virac. Subalit hindi ang mga ito ang tinutukoy na gumuho dahil sa landslide.

Pinabulaanan rin ni Flores ang ulat na hinikayat ng paring Katoliko ang mga residente na lumikas sa gumuhong simbahan, dahil nasa ospital ito nang manalasa ang bagyo.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

“The church they referring to is not a Catholic Church, not a Catholic chapel. ‘Yung pari wala hong pari na nag-instruct…kasi yung pari natin doon ay actually hospitalized even before Ompong. So wala ho siya doon. Yung interpretation ng data is fake news po iyon. There is a nag-collapse tama po iyon pero it’s not a Catholic Church,” paglilinaw ni Flores, sa panayam ng Radio Veritas.

-Mary Ann Santiago