UMAASA ng third hit album ngayong 2018 ang rapper star na si Kanye West matapos magpatikim ng ilang larawan para sa release ng kanyang bagong album kasunod ng Ye, na nanguna sa chart nitong Hunyo, iniulat ng Cover Media.

Kanye copy

Matapos ang success ng kanyang Kid Cudi collaboration at Kids See Ghosts, ‘tila handa na si Kanye para sa kanyang ikatlong album this year na may titulong YANDHI nang i-post niya ang dalawang captionless na larawan—isa ang line-up ng season 44 premiere ng Saturday Night Live, kung saan ipi-feature si Kanye bilang musical guest, habang ang isa ay isang artwork para sa isang nameless CD.

Kasunod nito’y ini-reveal ng Famous singer ang isang screenshot conversation kasama ng naunang CD na may mensaheng a“YANDHI 9.29.18”.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Samantala, inihayag din ni Kanye ang binabalak nilang major collaboration kasama ng kanyang fellow Chicago, Illinois emcee na si Chance the Rapper, sa isang OpenMike event ni Chance sa lungsod nitong Lunes.

Sinabi pa ni Kanye ang titulo ng joint project na Good A** Job.

Una nang ibinahagi ng Love Lockdown star ang posibilidad ng sequel para sa album na Watch the Throne, ang smash hit collaboration niya kasama si Jay-Z.

“Throne2 coming soon,” tweet ni Kanye.