Tinukoy ng isang organisasyon sa ilalim ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) ang Davao City bilang pilot site ng ibaāt ibang science, engineering, technology, and innovation (SETI) projects para matugunan ang ilang isyo sa sustainable development goals (SDG).
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Science and Technology na ang opisina ng UNESCO sa Jakarta ay magpapatakbo ng Facility for Accelerating Science and Technology Project sa rehiyon, na kilala bilang AP-FAST.
Ang AP-FAST project ay magiging pangunahing kasangkapan para matugunan ang mga hamon ng S&T na kinakaharap ng mga gobyerno sa Asia at Pacific region sa pagpapatupad at pagtatamo sa Sustainable Development Goals (SDGs) at mga kaugnay na target na inilatag ng Agenda 2030 for Sustainable Development.
Ang Davao City AP-FAST project ay tinawag na āFostering Partnerships in Accelerating SETI Frameworks Towards Attainment of SDG in Southern Philippinesā ay pangungunahan ng HELP Davao Network sa pakikipagtulungan ng ibaāt ibang actors sa SETI ecosystem.
Ang AP-FAST Project ay nakatuon sa mga sumusunod na SDGs: Goal 3: Good Health and Well-Being; Goal 6: Clean Water and Sanitation; Goal 7: Affordable and Clean Energy; Goal 9: Industry, Innovation and Infrastructure; Goal 11: Sustainable Cities and Communities; Goal 13: Climate Action; Goal 14: Life Below Water; Goal 15: Life on Land; at Goal 17: Partnerships for the Goals.
-Yas D. Ocampo