NEW YORK (AP) — Mistulang dehado si Novak Djokovic sa finals. Dumagadundong ang hiyawan ng crowd sa bawat puntos ng karibal na si Juan Martin del Potro, partikular ang tatlong sunod na kabiguan sa unang bahagi ng laro.
Ngunit, nagpakatatag ang Serbian star para maitakas ang 6-3, 7-6 (4), 6-3 panalo para makamit ang ikatlong US Open title at ika-14 na Grand Slam title nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Flushing Meadows.
Bukod sa anim na Australian Opens, isang French Open at apat na Wimbledons, napantayan ni Djokovic si Pete Sampras sa ikatlong puwesto bilang may pinakamaraming Grand Slam title sa men’s division sa likod nina Roger Federer (20) at Rafael Nadal (17).
Nasibak si Federer sa fourth round, habang nag-retired si Nadal sa kanyang semifinal match kontra del Potro bunsod nang pananakit sa kanang tuhod.