Madadagdagan pa ang mga istasyon ng Caloocan-Dela Rosa line ng Philippine National Railways (PNR).

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), epektibo sa Lunes, Setyembre 10, ay hahaba pa ang biyahe ng naturang train system, na magsisimula na sa Sangandaan (Samson Road) sa Caloocan City hanggang sa FTI sa Taguig City.

Nabatid na tatlong istasyon ang idinagdag sa nasabing linya, kabilang ang Sangandaan sa Caloocan, EDSA, at FTI.

Tiniyak naman ng DOTr na mananatili sa P15 ang minimum na pamahe sa tren.

National

Abalos, kinumpirma intensyon ni Wesley Guo na sumuko

“GOOD NEWS: Effective 10 September 2018, the PNR will open PNR Sangandaan in Caloocan City to FTI Station in Taguig extending its existing PNR Caloocan-Dela Rosa line,” advisory ng DOTr sa Twitter. “Minimum fare will still be at P15.00.”Matatandaang Agosto 1, 2018 nang magkaroon ng soft opening ang Caloocan-Dela Rosa Makati line ng PNR, matapos ang 20 taong pagkakasara nito.

Simula sa Lunes, ang kabuuang biyahe na ng PNR ay Sangandaan, 10th Avenue, 5th Avenue, Solis Street, Blumentritt Street, España, Sta. Mesa, Dela Rosa, EDSA, at FTI.

-Mary Ann Santiago