NEW YORK (AP) — Umusad si Novak Djokovic sa kampanya para sa ikatlong titulo sa US Open nang gapiin si 55th-ranked John Millman, 6-3, 6-4, 6-4, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) pata makausad sa semifinal round.

“I was struggling. He was struggling. We were all sweating. Changing a lot of T-shirts, shorts,” sambit ni Djokovic, makakaharap si 2014 US Open runner-up Kei Nishikori sa Biyernes (Sabado sa Manila).

Ginapi ni Nishikori si Marin Cilic, 2-6, 6-4, 7-6 (5), 4-6, 6-4.

Sa women’s side, nakaabante rin si Japanese No. 20 Naomi Osaka nang mangibabaw kay unseeded Lesia Tsurenko ng Ukraine, 6-1, 6-1.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ito ang kauna-unahan sa kasaysayan na dalawang Japanese players ang umusad sa semifinals sa isang Grand Slam tournament.

Makakaharap niya si No. 14 Madison Keys ng U.S.sa Huwebes (Biyenes sa Manila). Magtutuos naman sa hiwalay na semifinals sina Serena Williams at No. 19 Anastasija Sevastova ng Latvia .