Nanawagan kahapon ang Philippine National Police (PNP) sa mga ahensiya ng pamahalaan na makipagtulungan sa pulisya laban sa mga rice hoarder at sa rice cartel sa bansa.

Sa pulong sa Camp Crame, ipinaliwanag ni PNP spokesman, Senior Supt. Benigno Durana na kinakailangang magkaisa ang pulisya, at ang mga ahensiya ng pamahalaang may kinalaman sa usapin at komunidad, upang tuluyan nang malansag ang mga illegal rice trader.

“This will be a whole government approach. We may have intelligence information, the AFP [Armed Forces of the Philippines] may also have, as well as other government agencies like the NFA [National Food Authority], DA [Department of Agriculture], and others so it’s best to put our efforts together,” pahayag ni Durana.

Aniya, malaki ang gagampanan ng community intelligence sa paglaban sa rice hoarder at cartel, kasabay ng pag-apela sa mga komunidad na kaagad na isumbong sa pulisya ang anumang impormasyong magreresulta sa paglansag ng illegal rice trading sa bansa.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Matatandaang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin ang kanyang emergency power upang tugisin ang mga rice hoarder at cartel, kung talagang may krisis ng bigas bansa.

Maaari rin, aniya, siyang gumamit ng mga pulis at militar upang lusubin ang mga bodegang nag-iimbak at nagtatago ng bigas.

-Martin A. Sadongdong