wedding copy

Inakala ng 21-anyos na babae sa Hongkong na dumadaan lamang siya sa isang ‘mock wedding test’ upang makuha sa isang inaaplayang trabaho bilang wedding planner ngunit nagulat na lamang ito ng maging opisyal ang kanyang kasal sa isang hindi niya kakilala sa China.

Ikinuwent ng babae na tumangging magpakilala ang kanyang karanasan nitong Mayo, nang makita niya sa social media ang isang post tungkol sa trabaho bilang isang make-up artist apprentice. Matapos mag-aplay nakumbinse umano ang babae na magsanay bilang isang wedding planner, dahil mas malaki ang kita rito. Nag-aral pa ang babae ng libreng kurso tungkol sa wedding planning at para umano makuha ang diploma kailangan nitong magtungo sa Fuzhou kung saan niya kukunin ang final exam kabilang ang isang mock wedding sa isang lalaki di niya kakilala.

Bagamat naghinala na umano ang babae nang lagdaan niya ang mga dokumento, sinigurado umano ng mga organizer na mapapawalang bisa ang kasal dahil isang “mock wedding “ lamang ito.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Natauhan at nakumpirma lamang ng babae na nascam siya ng makabalik sa Hongkong at nang masabi niya ito sa kanyang mga kaibigan.

Sa ngayon ay nananatiling kasal ang babae bagamat plano nitong maghain ng divorce upang mapawalang bisa ang nangyaring kasal. - OC