Dahil sa KKB o “kanya-kanya, bara-bara”, laging masikip ang trapiko sa EDSA, ayon kay Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, at iginiit na makipagtulungan ang mga kumpanya ng bansa na bumibiyahe sa EDSA.

Ayon sa kanya, dapat na bumuo ang mga kumpanya ng bus ng kooperatiba o consortium upang mapabilis at maayos ang isang sistema na magpapaluwag sa trapiko sa EDSA.

“It’s KKB that is causing Metro Manila’s traffic mess. Kanya-kanya at bara-bara ang kanilang pagsakay at pagbaba ng mga pasahero. Madalas sabay-sabay silang nakabalagbag sa EDSA kaya nagkakabuhul-buhol ang daloy ng mga sasakyan. If we can put order on these buses in EDSA, we will definitely ease the flow of vehicles in this area,” ani Sarmiento. - Bert de Guzman

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji