Pinaalalahanan kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na umiwas sa mga kalsada sa Quezon City na apektado ng road reblocking at repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ngayong weekend.

Sa abiso ng MMDA, sinimulan ng DPWH ang pagkukumpuni sa southbound EDSA, sa harapan ng Francesca Tower hanggang at pagkatapos ng Scout Borromeo (third lane mula sa center island), dakong 11:00 ng gabi nitong Biyernes.

Isinasaayos din ang northbound ng EDSA, bago mag-North Avenue (6th lane mula sa center island); A. H. Lacson Avenue, sa panulukan ng Aragon at P. Florentino Streets; at Batasan Road, bago mag-Payatas Road (2nd lane).

Inaasahang bubuksan sa mga motorista ang mga nasabing kalsada sa Lunes, Setyembre 3, dakong 5:00 ng umaga.

National

‘Pinas, hindi babalik sa ICC – Malacañang

-Bella Gamotea