ILALARGA ni Nestor Vendivil, isa sa mga pambatong endorser ng Thunderbird, ang 1st Annual Oliver Classic 6-Stag Derby ng Maginoo sa mas maagang petsa na Oktubre 6 sa Ynares Sports Center sa Pasig City.
Orihinal na naipahayag ang torneo sa Oktubre 31.
Ipinagmamalaki ng lalawigan ng Nueva Ecija sa larangan ng pagsasabong, si Vendivil ang Chairman ng Pambansang Federation ng Gamefowl Breeders (Digmaan), Inc.
Ang 1st Annual Oliver Classic 6-Stag Derby ng Maginoo ay nasa pagtataguyod ng Thunderbird Platinum at may itinakdang entry fee na P88,000 at minimum bet na P55,000.
Kaagapay sina Eric dela Rosa, Cris Llanes & Ka Lando Luzong, lahat ng kikitain ng nasabing isang-araw na labanan ng mga batang tinale ay ibabahagi sa iba-ibang charitable institutions.
Ang pagsusumite ng timbang (1.700 – 2.200 kgs.) ay sa ika-2 ng Oktubre at ang lahat ng ipapasok na manok ay susuriin at kakabitan ng legband sa araw ng derby mula ika-6 hanggang ika-sampu ng umaga.
Ang mga stags na maaring ipasok ay iyon lamang mga may wingband para sa 2018 Bakbakan o 2018 Digmaan.
Sigurado na ang paglahok nina Charlie “Atong” Ang, Edwin Arañez/Arman Santos, Gov. Eddiebong Plaza, Gerry Ramos, RJ Mea, Engr. Sonny Lagon, Mayor Nene Aguilar, Alex Ty, Coun. Marvin Rillo, Eric dela Rosa, Frank Berin, Jmes Uy, Mayor Elan Nagano;
Bengco Manman, Magno Lim, Ricky Magtuto, Rey Briones, Pol Estrellado, Jojo Gatlbayan, Edwin Tose, Richard Perez, Rico Abliter, Buboy delos Santos, Joey delos Santos, Eddie Gonzales, Escolin Group, Paolo Malvar, Mel Lim, Patrick Antonio, Jimmy Junsay, Osang dela Cruz, Atty. Amante Cappuchino, Cong. Lawrence Wacnang, Nelson Uy/Dong Chung, Bong Pineda, Dicky Lim, Gov. Gerry Espina, Atty. Ed Santos, Gov. Claude Bautista, Anthony Marasigan, Coun. Mark Calixto, Oldak Ronald Limueco, Glenn Samson, Sandy Andoy Gargallano, Eleno Samson, Allan Enciso at Gov. Ito Ynares.
Lahat ng kikitain ay mapupunta sa mga sumusunod : Home for the Aged (Nueva Ecija), University of the Philippines (Medicspedition), Chosen Children Village Foundation, Inc and Sagbayan Elementary School (Bohol).