JAKARTA – Target ng Philippine men’s basketball team na mabigyan nang masayang pabaon si FilAm Jordan Clarkson sa kanyang pagbabalik sa US para sumalang sa training camp ng Cleveland Cavaliers mula sa matikas na kampanya sa 18th Asian Games.

Ayon kay National coach Yeng Guiao, inaasahang ibubuhos ng Pinoy cagers ang nalalabing lakas para sa pakikipagtuos sa Syria ngayong hapon para sa ikalimang puwesto.

Galing ang Nationals sa 113-80 dominasyon laban sa Team Japan.

“I think we are in sixth place already. We are just trying to salvage the best finish that we can and try to play good all the time. We are trying to finish on a winning note so I think that’s a good going-away present for Jordan,” pahayag ni Guiao.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nalagpasan na ng Philippines ang ikapitong puwesto na pagtatapos sa 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea.

Nakamit ng Syria ang karapatan na harapin ang Philippines sa huling laro matapos gapiin ang Indonesia, 76-66.

Nakatuon ang pansin ni Guiao kay Tarek Aljabi, umiskor ng 33 puntos sa laro laban sa Indons.